I saw on cable TV a movie on the British American war. Near the end of the movie a young woman asks her mother, "Is the war ended?", to which the mother replied, "As long as there is a British soldier on American soil, the war is not ended".
Nais ko rin sanang tanungin kayo, "Ang ating laban ba ay tapos na?". Sa aking palagay, hanggang may isang sundalong Kano na nananatili sa lupang Pinoy o dagat ng Pinoy dahil sa VFA ay hindi pa tapos ang ating laban. Hanggang may isang sundalong Smith na nanggagahasa sa ating kababaihan at pagkatapos ay pakakawalan ng ganoon na lamang, ay hindi pa tapos ang ating laban. Hanggang may mga mambabatas na magpapahayag na ang karagatang nasa pagitan ng ating mga isla ay hindi bahagi ng ating teritoryo ay hindi pa tapos ang ating laban. Hanggang may mga Pinoy na sa isip at sa puso ay nanaisin pang maging estado ng Amerika ang Pilipinas, ay hindi pa tapos ang ating laban. Hanggang tayo ay umaasa pa sa pag-angkat ng ating pagkain at iba pang gamit galing sa ibang bansa, hindi pa tapos ang ating laban.
Napakarami nating dapat gawin upang mapag-isa ang mga Pilipino sa isip, salita at sa gawa, upang matutunan nating mahalin ang ating bayan, sapagka't tayo lamang ang maaaring magmahal sa ating kapwa Pilipino.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment